themes
history
message
index
Exponents.
Hey there, Jana here. 15 and socially awkward. Started a blog without thinking what to post exactly.

HTML hit counter - Quick-counter.net

+ 0

Alam mo yung pakiramdam na parang ang bigat-bigat ng dibdib mo? Na parang hinahatak ka pababa nung bigat na yun. Na parang wala ka nang ibang nararamdaman kundi pagod at katamaran. Yung klase ng katamaran na gusto mo, umupo na lang, walang ginagawa kundi tumitig sa kung saan hanggang may umagaw ng pansin mo at yung pumapasok sa isip mo? Lahat-lahat ng problemang pinagdaanan, pinagdadaanan at yung worst outcome na maaaring mangyari.

At yung pinakamahirap? Yung nararamdaman mo yung feeling na yun pero di mo ma-explain kung anong eksaktong hirap ang nararanasan mo habang dala-dala yun. At ang mas masakit, wala kang masabihan. Kasi natatakot kang hindi nila maintindihan, na mag-iba ang tingin nila sayo, na kakaawaan ka nila o pinakasimple, hindi mo kayang sabihin. Kung bakit? Hindi mo rin masagot.

+ 1

So ayun, yung araw ko, walang kakwenta-kwenta.

Una lang naman eh, dun sa classroom. Mainam ako eh, binwisit ko yung mga kaklase ko. Maingay kasi kami. Lahat naman ata ng estudyante o classroom, maingay. Unless, katulad kayo nung katabi naming 2nd years, matino utak. Oh balik tayo sa classroom namin. Edi natural, sinaway sila nung isang classroom officer. Ewan kung tinopak yun pagdating ng New Year.

Wagas siya, ‘te! Sumigaw, yung talagang high-pitched soprano ni Mariah Carey.

“Tumahimik nga kayo!”

Medyo tumahimik tapos nagbulung-bulungan habang tumatawang tumitingin sa ibang kaklase. Ampupu nila. Pahalata masyadong naasar. Hahaha. Oh ako naman tong mayor nila, eh syempre mabait, hinayaan ko. Tsaka pano din naman ako makakasaway eh bawat minuto magsisisigaw na naman siya. Sasamahan pa nung isa rin, feeling officer. Di naman sa pambibitch noh pero pansin din ng mga kaklase ko na ganun nga.

“Oh, ingay pa! Meron din nagsastudy dito! Tahimik nga kayo! (…) Sige, tawa!”

Eto pa. Wafak, gorabelles lang madam, keriketch mo iyan. Icareer mo, mader.

“Bumalik nga kayo lahat sa upuan niyo. Ang hindi babalik, ililista ko! Times ten!”

Walang may umalis. Antatanga lang eh. Hahahaha. Kaya mahal na mahal ko mga kaklase ko, mana sakin, may pagkaestupida.

“Times twenty!”

Ayun nagsibalikan mga siraulo. Ako naman tong mainam, nagwhisper sa kanilang wag umalis tas mag-ingay pa. Ang ganda na nga nung plano kong yon, hala, tinawanan lang nila ako. May sayad nga raw kasi. Wapakels.

Tapos nung December, eh wala ako kasi nga may out-of-town contest kaming sinalihan, kasama ko dalawang kaklase. Nagkwento yung iba ngayon lang. Kasi simula raw nung umalis kami, ganun na pinanggagawa niya. Tapos one time, bongga siya ateng! Level up ang bruhilda mayor, tinapon ang kanyang sapatos-opo, tama ang inyong nabasa, sapatos-sa blackboard. HAHAHAHAHA. AS EN, tuwang-tuwa ako nung narinig ko yun. Ang rich mo, madam. Pati sapatos mo ha? Tamang-tama, walang adviser, kasama namin, tapos yung ibang higher officers, nasa library. Eh di na-ek yung iba, was ma-say. Nakow. Yung hitsura nung bffs kong bakla, di madrawing. xD

Pero yun nga. Wala rin akong maintindihan sa pinagsusulat ko pero pampaalala lang to in case malimutan. Hoho.

+ 1

Such great fucking careless friends!!! Thank you so much for spilling my secrets. They’re secrets for a reason and you’ve told it to the one person I’ve been dreading to discover it. And now that demon seed knows and I’m fucked up. FUCKED UP.

+ 13

‘Wag po masyadong masama ang tingin sa’kin, classmates.